2 magsasaka, patay sa kidlat sa Pangasinan; 5 bahay, wasak naman sa buhawi
Dalawang magsasaka ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pagtama ng kidlat sa Pangasinan. Sa bayan naman ng Malasiqui ng nabanggit na lalawigan, limang bahay ang nawasak dahil sa pananalasa ng buhawi.
Batay sa pahayag ng mga saksi, sinabi sa ulat ni Mike Sabado sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," na nanalasa ang malakas na hangin na sinabayan ng pag-ulan sa barangay Bugtong, Malasiqui.
Gawa lang umano sa light materials ang mga bahay na ang mga natanggal na bahagi ay umabot pa hanggang sa kalye.
Wala naman naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.
Handa naman ang lokal na pamahalaan na tumulong sa mga biktima.
Sa isang 18-anyos na magsasaka naman ang binawian ng buhay nang tamaan ng kidlat sa Malasiqui hanggang nasa bukid.
Isa pang magsasaka ang namatay matapos ding tamaan ng kidlat at mapuruhan ang dibdib at likod sa lungsod naman ng San Carlos. -- FRJ, GMA News