ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Karne ng 70 kinatay na aso na dadalhin sana sa Baguio, nasabat sa Tarlac  


Nadiskubre ng mga awtoridad ang bagong modus ng pagpapadala ng aso sa Baguio City para ibenta at kainin ang karne nito. Sa halip na buong aso, kinakatay na ito ngayon sa ibang lugar para mas madaling maipuslit.
 
Pero sa ulat ng GMA news "24 Oras Weekend" nitong Sabado, hindi pa rin umubra ang naturang taktika matapos masabat ng mga awtoridad sa Paniqui, Tarlac ang mga karne ng tinatayang 70 aso.
 
Nakuha umano ang mga karne sa isang puting sasakyang SUV na hinihinalang nanggaling sa Laguna at papuntang Baguio.



Nakatakas naman drayber ng SUV at ang kasama nito.

Patuloy ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang may-ari ng sasakyan.

Naniniwala ang mga awtoridad na bagong modus ng mga nagbebenta ng karne ng aso sa Baguio na katayin muna ang mga aso sa ibang lugar sa halip na dalhin ito sa lungsod ng buo at buhay.

Ibabaon naman sa isang tambakan ng basura ang mga nasabat na karne ng aso. -- FRJ, GMA News