Mga Senador na naging Presidente
Bukod sa prestiyoso ng posisyon, ang Senado ang itinuturing hagdan ng mga politikong nais maging Pangulo ng bansa. Katunayan, siyam sa 14 na presidente ng Pilipinas ang naging senador. Ito ay sina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo; dating pangulong Joseph Estrada; Ferdinand Marcos; Carlos Garcia; Elpidio Quirino; Manuel Roxas; Sergio Osmena; Jose Laurel at Manuel Quezon. Naging kongresista naman sina dating pangulong Diosdado Macapagal at Ramon Magsaysay. Naging pinuno naman ng militar sina dating Pangulong Fidel Ramos at Emilio Aguinaldo habang may-bahay naman si Corazon Aquino. Si Aguinaldo ang una at pinakabatang presidente ng Pilipinasâat si Quezon naman ang unang presidente ng Commonwealth Republic. Si Magsaysay ang itinuturing presidente na pinakapopular sa masaâhabang si Aquino naman ang unang babaeng pangulo ng bansa.-GMANews.TV