ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Nasawi sa hagupit ni 'Glenda,' 40 na; pinsala sa agrikultura, mahigit P1B
Umakyat na sa 40 katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong "Glenda," ayon sa ulat ng
National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Huwebes.
Sa nabanggit na ulat, nakasaad din na umabot na sa P1,135,026,149.76. ang halaga ng pinsala sa agrikultura.
Kabilang na dito ang pananim na palay, mais, mga high-value cash crops at livestock o mga alagang hayop sa Central Luzon, Mimaropa at Bicol region.
#GlendaPH Update as of 17 Jul 2014, 4PM — Casualties: 40 dead, 17 injured, 4 missing; 23 roads, 2 bridges impassable pic.twitter.com/agW8jSVKEb
— NDRRMC OpCen (@NDRRMC_OpCen) July 17, 2014
Sa ipinalabas na update NDRRMC dakong 4:00 p.m., sinabing apat katao pa ang nawawala at 17 naman ang nasugatan dahil sa pananalasa ni "Glenda," na nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility nitong Huwebes ng umaga.
Sa tala ng NDRRMC, nasa 167,293 pamilya o 882,326 katao ang naapektuhan ng bagyo. Sa naturang bilang, 99,548 pamilya o 525,791 katao ang nananatili pa sa mga evacuation center.
Umabot naman sa 7,002 kabahayan ang nawasak at 19,257 iba pa ang nagtamo ng napinsala. -- FRJ, GMA News
Tags: typhoonglendafatalities
More Videos
Most Popular