ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bangkay ng 17-anyos na babae na may mga pasa at sugat sa katawan, nakita sa gilid ng waiting shed


Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang kaso ng isang 17-anyos na babae na nakitang patay sa gilid ng isang waiting shed sa barangay Cabug, Bacolod City nitong Huwebes ng madaling-araw.

Sa ulat ni Erwin Nicavera ng GMA-Bacolod sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Biyernes, sinabing isang tricycle driver ang nakakita sa bangkay ng biktima na may mga pasa at sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Hinala ng mga imbestigador na biktima ng pambubugbog ang babae at sa ibang lugar posibleng pinaslang at saka iniwan sa waiting shed.



Isang matandang babae naman na nagpakilalang lola ng biktima ang kumilala sa bangkay nito.

Pero hindi nito masabi kung ano ang nangyari sa apo.

Isasailalim naman sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para malaman ang ikinamatay nito at kung pinagsamantalahan.

Patuloy din ang imbestigayon ng mga awtoridad para matukoy kung sino ang posibleng nasa likod ng krimen. -- FRJ, GMA News


 
<iframe src="http://www.gmanetwork.com/news/evideo/211417/nakitang-bangkay-ng-isang-babaeng-menor-de-edad-tadtad-ng-pasa-at-sugat" width="640" height="380" frameborder="0"></iframe>