Batang magkapatid, patay sa landslide sa Rodriguez, Rizal
Dalawang batang magkapatid -- kabilang ang isang sanggol -- ang nasawi matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa Rodriguez, Rizal nitong Miyerkules ng umaga.
Sa ulat ng dzBB radio, sinabing naganap ang trahedya dakong 3:30 a.m. sa Sitio Bambanin, Barangay San Isidro, ayon sa paunang impormasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Bagaman hindi pa tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima, sinabing ang mga nasawi ay isang anim-na-buwang sanggol at isang tatlong-taong-gulang na bata.
Sinubukan iligtas ang buhay ng dalawang biktima pero hindi na sila nasagip nang dalhil sa Casimiro Ynares Sr. Memorial Hospital.
Ayon umano sa PDRRMO, nakararanas ng matinding pag-ulan ang lalawigan nitong mga nakalipas na araw na dahilan ng paglambot ng lupa sa bundok.
Sa hiwalay na ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Miyerkules, kasama ng mga bata ang kanilang nang maganap ang pagguho ng lupa.
Mabuti na umano ang kalagayan ng ina at nagpapagaling sa isang ospital. -- FRJ, GMA News