ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kapitan ng barko, patay sa hampas ng bangko ng kaniyang tauhan habang naglalayag


Nasawi ang isang kapitan ng barko matapos na makipag-away umano ang kaniyang chief engineer habang naglalayag sa karagatang sakop ng Iloilo noong Martes.

Sa website ng Philippine Coast Guard sa nitong Huwebes, sinabing nangyari ang insidente sa Skipboat-1 habang nasa karagatang sakop ng Carles sa lalawigan ng Iloilo.

Dinala sa Jesus Colmenares District Hospital sa Balasan, Iloilo pero hindi na umabot ng buhay ang nasawing kapitan na si Elmer Escalicas, 39-anyos.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang chief engineer na si Juanito Desamparado.

Sa imbestigasyon ng Coast Guard, lumitaw na nauwi sa away ang pagtatalo nina Escalicas at Desamparado.

Idinagdag pa na armado umano ng patalim si Escalicas pero nahambalos siya sa ulo ni Desamparado ng upuan na gawa sa kahoy. — FRJ, GMA News

Tags: crime