ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ang pagbabago ng Wikang Pambansa sa ating mga Saligang Batas


Alam niyo ba na walang opisyal na salita o wika na ipinagamit sa mga Pilipino ang mga lumikha ng 1899 Constitution, na mas kilala bilang Malolos Constitution? Sa halip, itinakda ang Spanish language bilang pansamantalang salita nang panahong iyon.
 
Sa Article 93 ng Title IX ng Malolos Constitution na nakasulat sa Spanish at isinalin sa wikang Ingles na: "The use of the languages spoken in the Philippines shall not be compulsory. It cannot be regulated except by virtue of law and only for acts of public authority and judicial affairs. On such occasions, the Spanish language shall temporarily be used."
 
Nang malikha ang 1935 Constitution, inatasan na ang Kongreso na gumawa ng hakbang para sa pagkakaroon ng wikang pambansa ng Pilipinas. Gayunman, nang panahong iyon, patuloy na gagamitin ang wikang Ingles at Spanish bilang opisyal na wika ng bansa.
 
Nakasaad sa Section 3, Article XIV sa General Provision ng 1935 Constitution na: "The Congress shall take steps toward the development and adoption of a common national language based on one of  the existing native languages. Until otherwise provided by law, English and Spanish shall continue as official languages."
 
Nagsimula namang palaganapin ang paggamit ng wikang Pilipino, kasama ang Ingles nang mabuo ang 1973 Constitution.
 
Itinatakda sa Section 3 (1), Article XV sa General Provision na: "This Constitution shall be officially promulgated in English and in Pilipino, and translated into each dialect spoken by over fifty thousand people, and into Spanish and Arabic. In case of conflict, the English text shall prevail.
 
Inatasan din ang National Assembly na kumilos para sa pormal na paggamit ng "common national language" na tatawaging "Filipino."
 
Nagkaroon naman ito ng katuparan sa pagkakalikha ng 1986 Constitution, na nagsasaad sa Section 6, Article XIV na: "The national language of the Philippines is Filipino."
 
Mapapansin na "Filipino" na "F" na ang baybay sa 1986 Constitution, at hindi "Pilipino" na "P" na nakasaad sa 1973 Constitution. -- FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia