ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Simula ng paggamit ng apelyido
Hindi uso noong unang panahon ang paggamit ng mga Pinoy ng apelyido hanggang maisipan ito ng isang Kastilang gobernador heneral na siyang gumawa ng libro na nag-aatas sa lahat ng naninirahan sa Pilipinas na gumamit ng apelyido noong 1849. Ang paggamit ng apelyido ng mga Filipino ay ipinag-utos ni Governor General Narciso ClaverÃa para maging sistematiko ang pagpapatupad ng librong Catalogo Alfabetico de Apellidos o Alphabetical Catalog of Surnames. Nang ipatupad ang nasabing kautusan, karamihan sa mga Pinoy ay piniling gamitin ang mga apelyidong may kaugnayan sa Kristiyanismo tulad ng de los Santos, de la Cruz, del Rosario, Bautista at mga kilalang lokal na pinuno gaya ng Lakandula.-GMANews.TV
Tags: pinoytrivia
More Videos
Most Popular