ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Papaano malalaman at malulunasan ang depresyon upang hindi mauwi sa pagpapakamatay?


Sa panayam sa "News To Go" ni Kara David kay Ms. Jean Goulbourn, presidente ng Natasha Goulborn Foundation, isang grupo na tumutulong sa mga taong nakararanas ng depresyon o matinding kalungkutan, tinalakay kung ano ang mga sintomas ng depresyon at kung papaano ito malalabanan para hindi mauwi sa pagpapakamatay ang sitwasyon gaya nang nangyari sa Hollywood actor na si Robin Williams.

Narito ang kanilang talakayan:

Kara: Bakit niyo po itinayo itong foundation na ito? I understand yung anak niyo po si Natasha also passed away dahil nag-suicide?

Jean: After she committed suicide about 12 years ago, napansin ko na walang organization o association na nakakatulong magbigayan ng information sa tao tungkol sa sakit na ito. Maraming belief sa Filipino na this is not the right information. Akala nila baliw ang depression, or malungkot, acting self-centered, makasarili lang siya. 'Yan ang symptoms 'pag may depression. Mood swings, 'di naiintindihan ng pamilya. Nung napansin ko 'yan, seven  years ago, nagtayo kami ng foundation.
 
Kara: Sa kaso po ng anak ninyo, wala po kayong inkling that she’s depressed?

Jean:  No inkling. As far as I know, parang sadness, break up with a boyfriend. Pero may sintomas na at that time, 'di ko alam. To understand the symptom, makilala niyo ang sintomas, 'yan ang pinakaimportante.

Basahin: The tragic life of Mariannet Amper, or why children commit suicide


Kara: Sinabi niyo po na may mga sintomas na hindi niyo po nakita sa anak ninyo dati?

Jean: Ang isa, hindi sila makatulog, insomnia. Natutulog siya alas-tres, alas-kuwatro ng umaga. Nagigising siya ng alas-11 ng umaga. Yung mga kulang sa tulog kahit na yung night shift ang trabaho, after 3-4 months, talagang aabutin sila ng depression.
 
Kara: Hindi makatulog, ano pa?

Jean:  Number 2, ayaw kumain. Kinakain ay gulay lang talaga. Walang gana saka pero mayroon din siyang  bago na ngayon [ay] in review sa past life niya na palaging sinasabi niya, 'mommy,  hindi ako maganda. Baka 'pag pumayat ako, gaganda ako.' Feeling ko nung una anorexia kasi ang favorite singer niya si Karen Carpenter, anorexic 'yon. Dun ako nag-umpisa na sa tingin ko kailangan dalhin ko ito sa duktor.
 
Kara: Base po sa inyong pag-aaral, ano po yung iba’t ibang symptoms ng depression na maaari nating maibahagi sa ating mga manonood?

Jean: Puwede ring gustong-gustong matulog, ayaw nang magising. Mood swings, palaging mainitin ang ulo, nakikipag-away sa kapatid, kasama sa trabaho at kahit na sa boss. Pero ang karamihan ngayon, maraming boss na may depression at ang trato nila sa workers nila ay iba na, nagwawala sila, hindi na sila normal. Chemical imbalance ang tawag diyan.
 
Kara: May kinompile tayo na ilang symptoms ng depression, over eating...

Jean:  Puwedeng grabe ang tulog, 14-17 hours a day, tapos mayroon din na dalawa o tatlong oras lang sa isang araw ang tulog.

Basahin: After UP freshman's suicide, depressed Pinoys urged to seek professional help


Kara:  So puwedeng nag-o-over eat, puwede rin walang ganang kumain. Pag-iisip tungkol sa suicide, pagnanakit ng katawan, ulo at pagkakaroon ng cramps or digestive problem na hindi gumagaling kahit magpagamot. So kahit yung mga ganun?

Jean:  Anxiety. There are four other causes that are very normal to us. One is postpartum pagkatapos manganak. Normally between 2-7 months or 1 year, pwede tamaan ng depresyon  ang isang nanay right after child birth.
 
Kara:  Yung mga ipinakitang symptoms kanina parang napakanormal ng mga ito,  baka iisipin mo lang na baka magana lang sigurong kumain or wala lang gana. Pero kapag nangyari na ito sa isang prolonged period there is something wrong?

Jean: Normally within 3 months, 'pag tuloy-tuloy itong mga characteristic na lumalabas sa isang tao within 3 months, kailangan kunin na talaga at ipakita ang assessment sa isang duktor, psychiatrist or psychologist.
 
Kara: Ito pa yung ibang symptoms ng depression, palaging malungkot o nababahala, parang walang ng pag-asa, pagiging iritable o balisa, pakiramdam na walang pakinabang, at kawalan ng interes sa activities. So hindi lang walang gana sa pagkain kundi parang wala nang ganang mabuhay?

Jean:  Sabi ng anak ko, para daw yung mga punong kahoy hindi na berde. Kasi she loves nature. Ang ocean, di na raw blue. Sabi niya sa akin, 'mommy parang black and white na lang siya.' Sinabi niya 'yan sa akin after syang binigyan ng gamot ng duktor.
 
Kara: Ang depression po ba can hits anybody or may certain age po ba ito? Kahit bata?

Jean: Anybody, any age. Ngayon sa Pilipinas, ang pinaka-youngest na nagpakamatay is 10 years old, anak ng isang OFW, depression.
 
Kara:  Ano po ang maaaring gawin sa mga ganitong tao na depressed?

Jean: Ang kailangan na tulong, unang-unang kailangang malaman ng publiko na ang edukasyon na ang depression hindi baliw. Ito ay isang sakit na puwedeng mapagaling.  'Yan ang unang kailangan nilang dapat paniwalaan at maisip. Number 2 yung ating mga government agencies at yung mga malalaking corporations magtulong na magbigay ng mga lifestyle preventive measure. Lifestyle ang pagtatakbo, running everyday, exercise, tamang pagkain.  Exercise, [because] the hormone, the endorphin, so yung happy felling, being in love with life, being in love with yourself, makukuha natin ,yan 'pag everyday active. . Brisk walk, yung mabilis na paglalakad, [pero] hindi sa shopping mall.
 
Kara:  Sinabi rin 'yan sa aking ng aking fitness coach, na kapag you’re always exercising, yung overall mind mo natutulungan.

Jean: Tapos ang pagkain natin ngayon karamihan de lata, instant noodles, grabe ang seasoning, synthetic drug. That gives us body chemical imbalance. Dugo pa lang, imbalanced na tayo.
 
Kara: I'm sure importante din na magkaroon ng bond ang pamilya?

Jean: Very important.
 
Kara: Ano po ang puwedeng gawin ng mga kaanak or magulang kung napapansin nila na ang anak nila ay hindi na kumakain at malungkot?

Jean:  Karamihan ng magulang ngayon nagtatrabaho talaga. Minsan dahil sa traffic, pag-uwi nila 10pm or 9pm na, kinabukasan magmamadaling magtrabaho ulit kasi dalawang oras na naman sa traffic. So, ang mga bata nagmamadali rin pumasok sa school. Saturday and Sunday lang pwede magkasama, kung wala pang pasok nung ang magulang. Madami rin OFW [ang parents] abroad. Ang mga bata lumalaki sila cell phone ang dala-dala, nagti-tv, lahat sa cell phone at saka mga games. Wala nang communication, kulang ang bonding sa pamilya. Wala na ring pagdadasal. Yung public schools ngayon, wala nang prayer, wala nang physical education, so wala nang body exercise. Pagdadasal, yung 'pag malungkot ka meron kang hope kasi 'pag dinasal mo 'yan pwedeng mapakinggan ni Papa Jesus, pwedeng maayos pa rin siya.
 
Kara: Ano po ba ang pwedeng maging trigger ng depression?

Jean:  Normally combination na araw-araw may nangyayari na palaging frustrated ka sa trabaho mo, tapos yung hours kung sa gabi ka nagtatrabaho, 'yon ang pinaka-worse. Na kapag nakikinig ka sa phone minumura ka, lets say nasa call center ka, minumura ka sa kabila. Talagang grabe 'yan kasi lahat ng negative naa-absorb. So kailangan ng tao marunong mag-shield ng sarili niya, na yung energy niya hindi mawala.
 
Kara:  We need to surround ourselves with happy people.

Jean:  Happy people at saka happy habits and hopeful people. Tapos happy habits, yung pagsasayaw, makikinig ng magandang music, tapos marunong mag quiet ng 15 minutes. Mag-visualize those are like yoga practices.

Basahin: Depressed? It's not enough to just talk to friends

Kara:  Saan po maaaring tumawag ang mga tao na nakararanas ng depression or kaanak nila na napapansing depressed ang kanilang kaanak?

Jean:  Meron kaming hope line. Pwede silang tumawag. Pero next year mag-e-encourage kami ng kumpanya na magbukas ng hope line na konektado sa amin para makakuha kami ng statistics at survey sa nangyayari sa kanilang company.
 
Kara: Aside sa hopeline pwede silang kumonsulta sa psychiatrist.

Jean: Yung good news ko, yung CBCP,  gagawing focus ang depression and mental  health sa kanilang cultural and wellness event (Sept. 5-6). This is the first time. Hinihingi ko rin sa mga pari at kay Cardinal Tagle na magbigay ng pastoral letter na ang nagpapakamatay, puwede na magkaroon ng Catholic burial, yung din kasi ang kinatatakutan ng mga parent.
 
Kara: Isa ring magandang ipunto rito yung mga taong depressed na hindi lumalapit sa psychiatrist dahil sa stigma na kapag kumunsulta ka dito automatic baliw ka na.

Jean:   Kailangan talagang matanggal 'yan kasi iba-iba ang kultura natin sa Chinese, Japanese and Korean, parang talagang sign of weakness 'pag may depression ka, 'di nila maintindihan. Kaya mataas rin ang suicide rate sa China, Japan and Korea.
 
Kara:  Tanggalin na natin ang ganyang pag-iisip. Kung pumupunta tayo sa cardiologist para sa puso, kung pumupunta tayo sa dermatologist para sa ating skin, meron ding mga duktor para sa ating mental health at hindi ibig sabihin nun na baliw ka na.

Jean:  At saka mali rin ang ating denial kasi kahit sa Department of Health, nakausap ko si [Secretary] Dr. Ona, “Dr. Ona tulungan mo naman kami sa mental health.”  Sagot niya, “We are a very happy race, walang nalulungkot sa Pilipinas.” Medyo ako...sabi ko, “[Sec] Ona ang daming nagpapakamatay po, hindi lahat happy.”  Hindi naman po na hindi tayo happy, kasi even like Robin Williams, he made people happy, he looks happy.  It’s not about being happy. 'Pag tinamaan kayo ng depression, para kayong tinamana ng flu, dengue, cancer.
 
Kara:  Ang maganda rito ay maagapan.

Jean:  Ngayon may isang doctor, puwedeng i-Google, Dr. Daniel Amen, ang kanyang brain scan nakikita na iba-iba ang itsura ng brain natin. Pag alcoholic, iba ang kulay ng brain. Pag schizophrenia, bulimic, bipolar, anorexia iba ang kulay at formation ng brain. Dapat ang parents, they should not feel guilty. Kasi may parents na nagi-guilty sila, sabi nila, "ano walang nangyayari sa anak ko, okey lang siya." In denial sila kasi ayaw nilang ma-feel na baka kulang ang panahon nila sa paglaki ang anak nila. Like a lawyer student ng big university, nagpakamatay, hindi nila ma-take yung tatay successful na abogado, nagpakamatay yung anak niya. It’s not them. Dapat matanggal ang guilt, embrace your child. Say, “alam ko may sakit lang ito, maaayos natin 'yan, magpa-assess tayo sa isang duktor, magpagamot tayo.”
 
Kara: Depression is a real problem na talagang puwede tayong maapektuhan pero maraming tao ang handang tumulong.

Jean: Pero talagang happy people tayo at yung pamilya natin 'yon ang makakatulong sa atin, at yung impormasyon galing sa government agencies at association gaya namin, hopefully makatulong kami. -- RADimapawi/FRJimenez, GMA News

Tags: talakayan