ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

22 baboy, napaaga ang kamatayan; trak na sinasakyan nila, naaksidente


Hindi lang mga tao ang napapahamak sa aksidente. Sa Manolo Fortich, Bukidnon, 22 baboy ang napaaga ang kamatayan nang tumagilid at dumagan sa kanila ang trak na kanilang sinasakyan.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Biyernes, sinabing 51 baboy ang sakay ng trak nang maganap ang aksidente.
 
Nawalan daw ng kontrol sa manibela ang drayber ng trak nang iwasan nito ang isa pang sasakyan.
Hindi naman nasugatan ang drayber at mga sakay niyang pahinante.
 


Sinisi ng may-ari ng mga baboy ang kawalan daw ng mga warning sign sa ginagawang daan kaya nangyari ang aksidente.

Sa hiwalay na ulat ng GMA news "24 Oras," sinabing kinarne na lang ng may-ari ang mga namatay na baboy sa mismong highway para hindi siya malugi.

Nagkakahalaga umano ng P16,000 ang bawat baboy.

Ayon naman sa National Meat Inspection Service, hindi maituturing na botcha ang mga naaksidenteng baboy.

Pero dahil hindi nila nainspeksyon kung paano kinarne ang mga baboy, hindi raw maaring ibenta sa pamilihan ang karne nito. -- FRJ, GMA News

Tags: animalabuse, pigs