ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dalagitang hubo't hubad na tumalon sa kotse sa Mandaluyong, hinalay


Inabuso ang 17-anyos na babae na nakita sa closed-circuit-television camera na hubo't hubad na tumalon sa isang kotse sa Mandaluyong City.

Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Martes, sinabing lumabas sa medico legal na isinagawa sa bikima na positibo itong ginahasa.

Sumasailalim na sa therapy ang biktima dahil sa trauma na naranasan sa naturang krimen.



Base sa salaysay ng biktima, hinatak siya papasok sa kotse ng isang banyagang suspek.

Dahil naka-automatic lock ang mga pinto ng kotse, hindi kaagad nakatakas ang babae.

Nanlaban din ang biktima sa suspek hanggang sa mahubaran siya. At nang makahanap ng tiyempo, nakatalon siya palabas ng kotse.

Mayroon nang imbestigahang pangalan at plate number ng sasakyan ang Mandaluyong police kaugnay ng nasabing kaso.

Basahin: CCTV catches naked teen fall from car in Mandaluyong

Una rito, napag-alaman na dakong 6 a.m. noong Sabado nang hintuan siya ng kotse sa Martinez Street habang nag-aabang ng masasakyan.

Isang dayuhan umano ang tumigil sa kaniya para magtanong ng direksiyon sa isang remittance center pero sinunggaban siya papasok sa kotse. -- FRJimenez, GMA News