ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Erap 'di makikiuso sa ice bucket challenge: ‘Palabas lang 'yan’


Bukod sa mga celebrity, sunod-sunod na rin ang mga pulitiko at opisyal sa gobyerno na kumasa sa "ice bucket challenge." Ngunit hindi patatangay sa usong ito si Manila Mayor Joseph Estrada matapos siyang inominate ni dating Ilocos Sur governor Luis "Chavit" Singson.

Ayon ang ice bucket challenge ay kampanya upang makapangalap ng pondo at makapagpakalat ng kaalam  tungkol sa sakit na ALS o Lou Gherig's disease.

Ang ALS ay isang sakit na tumatama sa nerve cells ng utak at spinal cord na nagiging dahilan para maparalisa ang pasyente.

Wala pang lunas sa nasabing sakit sa ngayon.

Basahin: Joey De Leon, may mensahe sa mga 'epal' sa ice bucket challenge

Kabilang sa mga opisyal na pinakahuling kumasa sa hamon na magpabuhos ng malamig na tubig at mag-donate sa ALS ay sina Justice Sec. Leila De Lima, Bureau of Internal Revenue commissioner  Kim Henares at Albay governor Joey Sarte Salceda.

Ngunit ang dating pangulo na si Estrada, mas gugustuhin na magpatuloy na magbigay ng tulong sa mga mapipili niyang organisasyon.

"Yang challenge, palabas lang yan. Show off lang 'yan. Marami akong charity. You don't have to tell people about that. Kung tutulong ako, 'di ko na kailangan sabihin. Di pakitang tao. I have done it silently," pahayag ng alkalde ngayon ng Maynila.

Ginawa ni Estrada ang pahayag matapos dumalo sa bail hearing sa  Sandiganbayan ng kaniyang nakapiit na anak na si Senator Jinggoy Estrada nitong Martes.

Dagdag pa ng dating pangulo, "Nagdo-donate ako ever since. May scholarship ako ever since. Up to now. In fact nakulong ako dahil sa pag tulong--nilagay ko yung pera sa scholarship foundation and I didn't benefit from it." -- FRJimenez, GMA News