ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Goodbye 'Kanor': Papasok na bagyo, tatawaging 'Karding' ng PAGASA
Sa halip na "Kanor," "Karding" na ang ipapangalan ng State weather bureau sa susunod na bagyong papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa social media accounts ng PAGASA, nakasaad ang ginawang pagbabago sa magiging pangalan ng bagyo. Gayunman, walang ibinigay na paliwanag ang ahensiya sa naturang pagbabago.
Batay sa listahan ng pangalan ng mga bagyo ngayong 2014, "Kanor" ang dapat na susunod na pangalan ng bagyo matapos ang pagpasok ng bagyong "Jose."
Video: Binabantayang LPA, posibleng maging bagyo at papangalanang 'Kanor'
Nitong Martes, makikita sa opisyal na listahan ng PAGASA sa pangalan ng mga bagyo ngayon 2014 na wala ang pangalang "Kanor":
- AGATON
- BASYANG
- CALOY
- DOMENG
- ESTER
- FLORITA
- GLENDA
- HENRY
- INDAY
- JOSE
- KARDING
- LUIS
- MARIO
- NENENG
- OMPONG
- PAENG
- QUEENIE
- RUBY
- SENIANG
- TOMAS
- USMAN
- VENUS
- WALDO
- YAYANG
- ZENY
Ang reserbang mga pangalan sakaling humigat sa 26 ang bagyo na pumasok sa Pilipinas ngayong 2014 ay:
- AGILA
- BAGWIS
- CHITO
- DIEGO
- ELENA
- FELINO
- GUNDING
- HARRIET
- INDANG
- JESSA
Sinimulan ng PAGASA ang paggamit ng lokal na pangalan sa mga bagyo noong 1963, kasunod na rin ng ginagawa ng ibang weather monitoring organizations sa mundo.
Mayroon apat na grupo ng mga pangalan ng mga bagyo ang PAGASA na salit-salitan na ginagamit tuwing ikaapat na taon. — FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular