ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalawigan na pinuntahan ni Simon de Anda nang labanan ang mananakop na Britanya


Alam ba ninyo kung saang lalawigan nagtungo si Simon de Anda nang labanan nito ang  ginawang pananakop ng Britanya sa Maynila noong 1762?

Sakop pa ng mga Kastila ang Pilipinas nang lumusob ang puwersa ng Great Britain at inagaw ang Maynila at Cavite. Gayunman, hindi sumuko sa tropa ng mga Briton si Simon de Anda, na noo'y Lieutenant Governor pa lamang. 

Kasama ang ilang tauhan, nagtungo ito sa Pampanga at doon nagkuta at itinatag ang kaniyang puwersa para labanan ang mga Briton.

Sinabing malaki ang naging partisipasyon ng tropa ni Anda kaya hindi na lumawak pa ang mga lugar na nasakop ng British forces hanggang sa lisanin nila ang Pilipinas pagkaraan lamang ng may dalawang taon.

Matapos ang digmaan, itinalagang gobernador-heneral si Anda mula 1770 hanggang 1776, ang taon na pumanaw siya.

Bukod sa paglaban sa mga Briton, sinasabing may mga utos din ang liderato ng Espanya na hindi sinunod ni Anda na nagpakita ng malasakit niya sa Pilipinas.

Ang bayan ng San Simon sa Pampanga ay ipinangalan kay Anda. Isang munumento rin ang itinayo sa Bacoor, Pampanga para sa nasabing opisyal.

Ang munumento naman ni Anda na planong alisin sa Bonifacio Drive sa Maynila ay unang itinayo malapit sa Pasig river noong 1871.

Nang gawin ang Del Pan bridge noong 1960's, inalis sa Pasig river ang monumento at inilipat sa Bonifacio Drive. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia