ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Catanduanes, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang probinsya ng Catanduanes sa Bicol region nitong madaling araw ng Sabado.
Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali, sinabi umano ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, na naitala ang sentro ng lindol 43 kilometro sa hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes.
Ito umano ay nasa lalim na 19 na kilometro.
Naitala ang Intensity 3 na lindol sa Virac at Intensity 2 naman sa bayan ng Caramoran.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasira sa nabanggit na lindol. -- FRJ, GMA News
Tags: lindol, earthquake
More Videos
Most Popular