ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Rebolusyon laban sa mga Kastila nang dahil sa alak


Alam ba ninyo kung saang lalawigan naganap ang pag-aaklas ng mga Pinoy laban sa mananakop na Kastila nang ipinatupad nila ang monopolyo sa paggawa ng alak?

Tinawag na "Basi Revolt" ang pag-aaklas ng mga Pinoy sa Piddig, Ilocos Norte laban sa mga mananakop na Kastila noong Setyembre 1807.

Ang naturang rebolusyon ay nag-ugat sa ipinalabas ng kautusan ng mga Kastila na nagbabawal sa mga lokal na residente na gumawa ng alak na "basi," na kabilang sa ikinabubuhay ng mga tao sa lugar.

Ang pag-aaklas ay pinangunahan nina Pedro Mateo at Salarogo Ambaristo, at kumalat pa ito sa ilang bayan sa lalawigan.

Ngunit tumagal lamang ng ilang linggo ang naturang rebolusyon at nasupil din kaagad ng mga Kastila.

Isang shrine ng "Basi Revolt" ang makikita sa bayan ng Piddig para alalahanin ang naturang pag-aaklas. Idineklara naman ng Sangguniang Bayan ng San Ildefonso, Ilocos Sur na non-working holiday ang September 16, bilang pag-alaala sa naturang rebolusyon. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia