ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Antique, niyanig ng magnitude-5.7 quake na lindol


Niyanig ng magnitude-5.7 quake na lindol ang lalawigan ng Antique nitong Biyernes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum Jr., inaalam na nila kung may mga napinsala sa nabanggit na lindol.

"May ni-report na damage sa Culasi, Antique. May bahay (na na-damage) pero sketchy ang report," pahayag ng opisyal sa panayam ng dzBB radio.



Pinawi naman ni Solidum ang pangamba ng tsunami dulot ng paggalaw ng lupa.

Pero nagbabala ang Phivolcs sa mga inaasahang aftershocks.

Sa hiwalay na ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon, sinabi naitala ang epicenter ng lindol sa east ng Culasi in Antique.

Naramdaman ang Intensity VI o malakas na pagyanig ng lupa sa Culasi.

Intensity V: Kalibo, Aklan; Sebaste, Pandan, Lauan and Libertad (Antique)
Intensity IV: San Jose, Sibalom and San Remegio (Antique)
Intensity III: La Carlota City; Roxas City; Iloilo City
Intensity II: Cebu City
Intensity I: Zamboanga City.

-- FRJ, GMA News