ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bahay sa Bulacan, 2 beses nilooban sa loob lang ng isang buwan


Sa ikalawang pagkakataon sa loob ng isang buwan, ang isang bahay sa Malolos, Bulacan ang pinasok ng mga magnanakaw na nakasuot ng bonnet. Iginapos at sinukluban umano ng punda ng unan ang kasambahay habang nililimas ang gamit sa bahay.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabing nakapasok sa bahay ang tatlong suspek sa pamamagitan ng pagbasag ng salamin sa pinto sa likuran ng bahay.

Ayon sa kasambahay, tinutukan siya ng patalim ng mga suspek at sunukluban ng punda ng unan sa ulo at iginapos.



Hindi raw nakilala ang mga suspek dahil may takip ang mga mukha ng mga ito.

Kaagad namang nakapagsumbong sa pulis ang kapitbahay na nakapansin sa nangyayaring nakawan sa bahay pero nakatakas pa rin ang mga suspek.

Hindi pa matiyak kung magkano ang natangay ng mga suspek na patuloy na hinahanap ng mga awtoridad.

Napag-alaman na dalawang beses nang nangyari ang pagnanakaw sa bahay sa loob lang ng isang buwan. -- FRJ, GMA News

Tags: robbery