ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mapaminsalang pagsabog ng bulkang Mayon


Alam ba ninyo na mula noong 1616, hindi bababa sa 50 beses ang naitalang pagsabog ng sikat na bulkang Mayon ng Albay. At sa nangyaring pinakabayolenteng pagsabog nito, may 1,200 katao ang nasawi.

Sa listahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), lumitaw na ang pinakaunang pag-alburoto ng Mayon ay naitala noong Pebrero 19-24, 1616.

Ngunit ang itinuturing pinakamapaminsalang pagsabog ng bulkan ay nangyari noong Pebrero 1, 1841, na 1,200 buhay ang nasawi at nakaapekto sa ilang bayan sa Albay.

Ang tanyag na pasyalan ngayon na Cagsawa church ruins ang nagsisilbing paalala ng naturang bayolenteng pagsabog ng bulkan na nakapinsala sa mga bayan ng Camalig, Cagsawa, Budiao, at Guinobatan, at kalahati ng Albay.

Samantala, 350 katao naman ang nasawi nang pumutok ang Mayon noong 1897, at 77 katao na karamihan ay magsasaka ang nasawi sa pagsabog nito noong 1993. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia