ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dalagitang anak, nabuntis daw ng sariling ama


Nagbunga ang umano'y ilang ulit na panghahalay ng isang ama sa sarili niyang 15-anyos na anak sa Laoag City, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA-Ilocos, sinabing nasa pangangalaga na ngayon ng social welfare office sa Laoag City ang dalagita na limang buwan nang buntis.
 
Ang lola umano ng biktima ang nakapansin sa paglaki ng tiyan ng biktima.
 
"Kung malasing daw siya parang merong kakaibang ugali, tinanong ko nga yung bata kung ano yung time na pinagsasamantalahan siya, that's the time na lasing siya," ayon sa Laoag City social welfare officer na si Mary Joan Pasiqui.

Sa imbestigasyon ng city social welfare office, napag-alaman nila na tatlong beses inabuso ang biktima noong Mayo.

Hindi raw nakapagsumbong ang biktima dahil sa takot sa ama.

Sinubukan ng GMA News Ilocos na makuha ang panig ng ama pero wala na ito sa kanilang bahay.

Inihahanda naman ang kasong isasampa sa suspek. -- FRJ, GMA News

Tags: incest, rape