ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
May sundalong Pinoy na nasawi sa World War I sa France

Alam ba ninyo na ang matapang na sundalong Pinoy na nasawi sa World War I sa France noong 1918 ay dating kawani ng Bureau of Prisons sa Pilipinas, at sinasabing naalis sa trabaho dahil nahuling natutulog sa oras ng kaniyang duty.
Itinuturing bayani dahil sa kaniyang katapangan ang tubong Morong, Rizal na si Private Tomas Mateo Claudio, na naging sundalo ng Amerika, na ipinadala at sumabak sa WW I sa Europe laban sa tropa ng Germany.
Nasawi si Claudio sa bakbakan sa France noong June 29, 1918, sa edad na 26.
Pero bago naging sundalo ng Amerika, naging tauhan muna siya ng Bureau of Prisons sa Pilipinas pero natanggal sa trabaho dahil nahuli raw na natutulog sa oras ng kaniyang duty. Sa kabila nito, nagpursige pa rin siya hanggang makarating sa Hawaii at nagtrabaho doon sa plantasyon.
Nakagawa rin ng paraan si Claudio na makarating sa Amerika, nagtrabaho, nag-aral hanggang sa mapabilang sa mga sundalo ng US na isinabak nga sa unang digmaang pandaigidig.
Iniuwi sa Pilipinas ang mga labi ni Claudio upang dito ihimlay.
Bilang pagkilala sa kaniyang katapangan, ilang kalye, may tulay, at isang kolehiyo ang ipinangalan sa kaniya. -- FRJ, GMA News
Tags: pinoytrivia
More Videos
Most Popular