ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Nanay na naalimpungatan, naihagis ang sanggol na anak at bumagsak sa sahig
Nasawi ang isang sanggol sa Cebu city matapos na aksidenteng maihagis daw ng kaniyang 18-anyos na ina sa Cebu city.
Sa ulat ni Bobby Nalzaro ng GMA-Cebu sa "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing idinahilan ng ginang na hindi niya sadyang ihagis ang isang-taong-gulang na anak.
Naalimpungatan at nagulat lang daw siya dahil sa pag-iyak ng bata.
Isinugod pa sa ospital ang bata pero doon na binawian ng buhay dahil pinsalang tinamo sa ulo sa pagkakabagsak sa sahig.
Nakapiit na ang ginang at balak siyang kasuhan ng lolo ng bata. -- FRJ, GMA News
Tags: childabuse
More Videos
Most Popular