ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga residente sa isang isla sa Iloilo, inilikas na bilang paghahanda kay 'Ruby'
Bilang paghahanda sa pagdating ng bagyong "Ruby," inilikas na ang mga residente sa isang isla sa Northern Iloilo na napinsala rin ng bagyong "Yolanda" noong nakaraang taon.
Sa ulat ni Carol Velayo ng GMA-Iloilo sa GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabing dinala sa evacution center sa Concepcion, Iloilo ang mga inilikas na residente mula sa isla ng Balaguian.
Hindi naman naging mahirap sa mga residente na palikasin dahil na rin sa naging karanasan nila noon nang tumama si "Yolanda."
Samantala, posibleng pagbaha naman ang tinututukan ng mga lokal na opisyal sa Iloilo City sa pagtama ni "Ruby."
Sa isinagawang pulong ng mga opisyal nitong Huwebes, naging sentro ng pag-uusap ang geohazard map ng lungsod kung saan ipinakita ang nakaambang panganib sakaling tumama ang bagyo.
Ayon sa Mines and Geosciences Bureau, malaki ang tulong ng flood control projects para maibsan ang pagbaha sa lungsod.
Nakahanda na rin ang Bureau of Fire Protection at ilang rescue groups sakaling magdulot ng matinding pinsala si "Ruby."
Sinuspindi naman ang klase sa ilang paaralan sa lungsod ng Iloilo na gagamiting evacuation centers. -- FRJ, GMA News
Tags: typhoonruby
More Videos
Most Popular