ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Terorismo o pangingikil?: Motibo sa bus bombing sa Bukidnon, inaalam 


Anggulong pangingikil ng sindikato o atake ng terorista ang tinitingnan motibo ng mga awtoridad sa likod ng pagpapasabog sa isang pampasaherong bus sa Bukidnon nitong Martes ng gabi na ikinasawi ng 10 kataon -- kabilang ang limang estudyante ng Central Mindanao University.

Sa isang ulat sa GMA News TV's “News To Go” nitong Miyerkules, inihayag umano ni Bukidnon governor Jose Maria Zubiri Jr., na nakatatanggap ng pagbabanta ang kumpanya ng pinasabugang bus na Rural Transit Mindanao Inc., mula sa grupong nangingikil dito.

Pero sa kabila ng panggigipit umano ng grupo, hindi ipinagbigay-alam ng kumpanya ng bus ang ginagawang panggigipit ng sindikato.



Ang pagsabog ng bus sa Bukidnon ang ikalawang insidente ng pagpapasabog sa naturang bus company. Naunang naganap ang pagpapasabog sa isang bus ng RTMI noong Nobyembre, ngunit walang nasawi.

Ngunit sa pagpapasabog nitong Martes, 10 katao ang nasawi (hindi 11 gaya nang naunang naiulat), at hindi bababa sa 40 iba pa ang nasugatan.

Mga nasawi at nasugatan

Kinilala ng Armed Forces ang mga nasawi na sina:

- Kim Valiente, 17, of Malaybalay City
- Anita Santillan, 54, of Dologon, Maramag
- Catherine Villahermosa
- Johnrey Valdesco
- John Bernard Cuhanap
- Jonathan Balida
- Marielle Achacoso, 17, Kalasungay, Malaybalay
- Niezel Dee Gonzaga, 22, Hagkol, Valencia City
- Michael Buctos, Purok 5, South Poblacion
- One unidentified

Ang mga natukoy na nasugatan:
 
- Marijane Roque
- Marites Camaresta
- Jeshreel Arango
- Lovelyrose Basalo
- Bernadeth Cuay
- Violita Bustamante
- Mike Butara
- John Michael Bugayong
- Violeta Bustamenta
- Carla Yadao
- Eden Protacio
- Jovi Generalao
- Jonathan Carlomayor
- Rodmar Canaresta
- Mike Earl Otara
- Junrey Bugayong
- Junrey Bangonon
- Robert Guzman
- Gabriel Bamaog
- Crystel Abejo
- Remedios Abregana
- Ronald Cahanap
- Jonan Ramos
- Marivic Lazar
- Herna Hubahib
- Marlon Pantanosas
- Sheena Curager
- Ariel Curan
- Niko Briones


Ayon kay Zubiri, maaaring ipagbawal nila ang pagdaan sa Bukidnon ng mga bus ng RTMI kung hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon ang kumpanya.
 
Naniniwala ang gobernador na pangingikil ang pangunahing motibo sa likod ng pagpapasabog sa bus kahit itanggi pa umano ito ng RTMIi.
 
Marka ng terorismo

Para naman kay Armed Forces spokesman Col. Resty Padilla, sinabi nito sa "News To Go" na posibleng kagagawan ng mga extremist group ang pagpapasabog sa bus.

Kabilang sa nakikitang indikasyon umano ay ang improvised explosive device (IED) na ginamit na pampasabog.

"Ilan lang [ang] may kakayahan gumawa [ng IED], and most of them ay sa extremist group sa lugar na 'yan at iba pang lugar sa Mindanao," pahayag ng opisyal.

Sinabi ni Padilla na maaaring "mortar" na hindi sumabog ang ginamit ng mga suspek at ginawang IED.

Sinabi naman ni Armed Forces information chief Lt. Col. Harold Cabunoc, na tumutulong ang militar sa ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing karumal-dumal na krimen.

"Terrorism cannot be justified on any ground or for any purpose. The Filipino people must strongly condemn every act of terrorism and senseless violence against our fellowmen," ani Cabunoc. -- FRJ, GMA News