ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga nagkasakit matapos kumain ng karne ng aso,  patuloy na nagpapagaling


Patuloy na nagpapagaling ang 21 magkakapitbahay sa Galimuyod, Ilocos Sur na isinugod sa ospital matapos sumama ang pakiramdam dahil sa umano'y pagkalason.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Sabado, sinabing nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka ang mga residente matapos silang kumain ng karne ng aso.

Ayon sa may-ari ng aso, dalawang linggo nang nanghihina ang kanyang alaga kaya minabuti nilang katayin na ito bago pa tuluyang mamamatay.
 
Ang ibang karne umano ng aso at ibinenta nila sa mga kapitbahay.

Hinala naman ng duktor, posibleng naipasa sa tao ang mikrobyo ng aso makaraan nilang kainin ang karne ng hayop.

Sinusuri na umano natirang karne ng aso para makumpira ang sanhi ng pagkalason ng mga biktima.

Patuloy ding inoobserbahan ng municipal health office ang mga pasyente, ayon sa ulat. -- FRJ, GMA News