ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tumaas na bilang ng mga manggagawa sa Pilipinas sa 2014


Mahigit 1 milyon ang nadagdag sa lakas paggawa ng Pilipinas ngayon taon. Alam ba ninyo kung saang sektor ang may pinakamaraming kababayan natin ang nagtatrabaho ngayong 2014?

Batay sa datos ng Department of Labor, sinabing 1.046 milyon ang inilobo ng lakas paggawa sa bansa ngayong taon. Dahil dito, nasa 41.3 milyon na ang puwersa ng mga manggagawa sa Pilipinas, na mas mataas ng 2.7 porsiyento kumpara sa nakalipas na taon.

Pinakamaraming kababayan natin ang nagtatrabaho sa services sector na binubuo ng 53.7 porsiyento  ng populasyon ng mga may trabaho. Pinakamarami rito ay nasa wholesale at retail trade, at repair ng mga motor vehicle at motorcycle.

Pumangalawa naman ang agriculture sector na kinapapalooban ng 30.8 porsiyento ng mga may hanapbuhay, at sumunod ang industry sector na may 15.6 porsiyento ng mga mangagawa. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia