Granada, ibinalot at ginawang regalo sa isang babae sa Iloilo
Natanggap ng kakaibang regalo nitong Pasko ang isang babae sa Pavia, Iloilo. Ang regalong natanggap niya, isang granada na ibinalot pa sa Christmas wrapper.
Sa ulat ng Balita Pilipinas nitong Biyernes, sinabi ng babae na iniwan ang granada malapit sa gate ng kaniyang bahay.
Nakagay daw sa package ang granada na nakabalot ng Christmas wrapper kaya laking gulat niya nang makita ito.
May kalakip din daw sulat ang granada na nagbabanta.
Hinala niya, posibleng ang dati niyang live-in partner ang nasa likod ng iniregalong granada. Nag-aagawan daw kasi sila kostudiya ng dalawa nilang anak.
Sinubukan ng GMA News na kunan ng pahayag ang live in partner ng biktima pero wala ito sa kanilang bahay.
Sinabi naman ng mga pulis na hindi magandang biro ang naturang klase pananakot na itinaon pa sa Pasko. -- FRJ, GMA News