ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sayaw na ginaya sa ibon
Sinasabing nagmula sa ibong âTikling" ang katutubong sayaw na âTinikling" na pinauso ng mga magsasaka sa lalawigan ng Leyte noong panahon ng pananakop ng Kastila. Batay sa mga kuwento, ginaya ng mga magsasaka ang kilos ng âtikling" kapag nahuhuli nila ito sa inilatag na patibong na gawa sa kawayan sa bukid. Ngunit bukod sa ibong âtikling," mayroon din kuwento na ang âtinikling" ay isang paraan ng parusa noon ng mga Kastila sa mga âtinatamad" na manggagawa noon sa bukid. Ang tinikling ay katutubong sayaw sa Pilipinas kung saan ang nagsasayaw ay kailangan umindak sa pinag-uuntog na dalawang mahabang kawayan. Kailangan maging mabilis ang mga paa ng sumasayaw upang hindi maipit sa kawayan.-GMANews.TV
More Videos
Most Popular