ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga nakumpiskang iligal na paputok sa Davao City, sinira


Binasa at inilibing sa lupa ang mga nakumpiskang iligal na paputok sa Davao city. Ang mga iligal na gamit naman na pampaingay gaya ng boga, winasak.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, sinabing ang piccolo ang pinakamaraming iligal na paputok na nakumpiska sa lungsod.

Pinagwawasak naman ang mga improvised na paputok gaya ng boga at kanyon na ipinagbabawal din.

Tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P300,000 ang halaga ng mga sinirang paputok.



Sinimulang ipatupad ng Davao city ang ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon noong 2002.

Basahin: Davao City Mayor Duterte to revive P5k reward for info on violations of firecracker ban

Ngayon taon, kabilang ang isang barangay kagawad sa mga dinakip matapos maaktuhang lumalabag sa ordinansa ng lungsod.

Samantala, piccolo rin ang pinakamaraming paputok na nakumpiska sa Negros Occidental.

Ibinaon din ang mga awtoridad ang mga iligal na paputok sa lupa matapos basain para hindi na makadisgrasya pa. -- FRJ, GMA News