ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagkawala ng tutor at batang kaniyang tinuturuan, palaisipan


Limang araw nang nawawala ang isang lalaking tutor at tinuturuan niyang bata na limang-taong-gulang sa Bacolod City.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Huwebes, sinabing Enero 4 nang isama ng 58-anyos na tutor na si Allan Quilbo para mamasyal ang tinuturuan nitong grade 2 pupil na si Jeptah Alf Gabrielle Magno.

Pero makalipas ng limang araw, hindi pa bumabalik ang dalawa na labis na ikinabahala ng pamilya Magno.



Ayon sa ama ng bata na si Alfonso, tubong Bacolod City si Quilbo at pinatuloy nila sa kanilang tahanan isang taon na ang nakalilipas dahil wala itong matirhan.

Bilang kapalit ng pagpapatuloy sa kaniya sa bahay, nagsilbing tutor ng bata si Quilbo, na aktibo raw sa simbahan at mabait.

Kampante ang pamilya Magno na hindi kinidnap ng tutor ang kanilang anak kaya inireport nila ito sa pulisya bilang insidente ng nawawalang mga tao.

Idinulog na ng pamilya sa Bacolod city police ang pagkawala ng dalawa pero hirap rin ang mga awtoridad sa paghahanap. -- FRJ, GMA News