ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pope Francis, idinepensa ang malayang pagpapahayag at paggalang sa relihiyon


Kasunod ng madugong pag-atake sa isang babasahin sa Paris, ipinagtanggol ni Pope Francis ang kalayaan sa pagpapahayag. Gayunman, iginiit din ng lider ng Simbahang Katolika na mali ang mang-insulto at gawing katawa-tawa ang isang relihiyon.
 
"You can't provoke, you can't insult the faith of others, you can't make fun of faith," pahayag ni Pope Francis sa mga kasamang mamamahayag habang nasa eroplano nitong Huwebes habang naglalakbay papunta sa Pilipinas, ayon sa ulat ng Reuters.
 
Nauna nang kinondena ng Santo Papa ang madugong pag-atake sa political weekly Charlie Hebdo sa Paris na ikinamatay ng 14 katao, na kinabibilangan ng mga mamamahayag. Tatlo sa mga sinasabing nasa likod ng pag-atake ang napatay din ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon.
 
Ayon sa ulat ng Reuters, kilala ang Charlie Hebdo sa kanilang satirical attacks sa ilang rehiliyon, kabilang ang Islam.

BASAHIN: Charlie Hebdo "All is Forgiven" edition sells out in minutes
 
Habang patungo sa Pilipinas, tinanong si Pope Francis ng mga kasama niyang mamamahayag sa eroplano tungkol sa usapin ng kalayaan sa relihiyon at kalayaan sa pagpapahayag.

"I think both freedom of religion and freedom of expression are both fundamental human rights," anang lider ng Simbahang Katolika, na ipinunto ang naganap na pag-atake sa Paris.

"Everyone has not only the freedom and the right but the obligation to say what he thinks for the common good ... we have the right to have this freedom openly without offending," aniya.

Para higit pang maipaliwanag ang kaniyang sinabi, humarap ito sa kaniyang kasama at sinabing: "It is true that you must not react violently, but although we are good friends if [he] says a curse word against my mother, he can expect a punch, it's normal.

"You can't make a toy out of the religions of others," dagdag niya. "These people provoke and then [something can happen]. In freedom of expression there are limits."

Ginamit ding halimbawa ng Santo Papa ang mga nagdaang digmaan dahil sa relihiyon.

"Let's consider our own history. How many wars of religion have we had? Even we were sinners but you can't kill in the name of God. That is an aberration," paliwanag niya.

Tungkol sa kaniyang personal na kaligtasan at posibilidad na maging biktima ng asasinasyon, sinabi ni Pope Francis na ipinauubaya na niya sa Diyos ang kaniyang buhay.
 
Nagawa pa ang Santo Papa na magbiro tungkol sa kaniyang kaligtasan.
 
"Am I afraid? You know that I have a defect, a nice of dose of being careless. If anything should happen to me, I have told the Lord, I ask you only to give me the grace that it doesn't hurt because I am not courageous when confronted with pain. I am very timid," anang 78-anyos na Santo Papa. -- Reuter/FRJ, GMA News