ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Babala ng bagyo, itinaas sa Metro Manila at ilang kalapit na lugar dahil kay 'Amang'
Isang araw bago ang nakatakdang misa sa Luneta na pangungunahan ni Pope Francis, isinailalim nitong Sabado sa storm signal number 1 ang Metro Manila at 28 pang kalapit na lugar dahil sa bagyong "Amang."
Sa inilabas na ulat ng PAGASA nitong Sabado ng hapon, sinabing kumikilos si Amang (Mekkhala) pa-hilagang Samar, at nasa 60 km hilaga-hilagang silangan ng Borongan, Silangang Samar dakong 4:00 p.m.
Taglay ni "Amang" ang lakas ng hangin na umaabot sa 100 kph malapit sa gitna, at bugsong aabot sa 130 kph.
Gumagalaw si "Amang' pa-hilagang kanluran sa bilis na 19 kph.
Post by Dost_pagasa.
Maaari umanong manatili ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility hanggang Martes, Enero 20, pahayag ng isang PAGASA forecaster sa dzBB.
Inaasahan naman na sa Linggo ng hapon, nasa 115 km silangan ng Infanta, Quezon na ang bagyo, at pagdating ng Lunes ng hapon, inaasahan namang nasa 155 km silangan-hilagang silangang bahagi na ito ng Aparri, Cagayan.
Samantala, inaasahang nasa 415 km silangan-hilagang silangang bahagi na ng Basco, Batanes ang bagyo pagdating ng Martes ng hapon.
Storm signals
Tinatayang nasa 7.5 hanggang 20 mm kada oras ang dami ng ulang hatid ng bagyong "Amang" sa loob ng 400-km diameter nito.
Nasa ilalim ng Storm Signal No. 2 ang mga sumusunod:
Catanduanes
Albay
Camarines Sur
Camarines Norte
Southern Quezon including Polillo Island
Sorsogon
Masbate
Burias Island including Ticao Island
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran
Nasa ilalim naman ng Storm Signal No. 1 ang mga sumusunod:
Metro Manila
Cavite
Laguna
Rizal
Batangas
Bulacan
Nueva Ecija
Aurora
Quirino
Isabela
Rest of Quezon
Marinduque
Oriental Mindoro
Romblon
Leyte
Southern Leyte
Extreme Northern Cebu including Bantayan Island and Camotes Island
Pinaalalahanan ng PAGASA ang mga residente sa mabababa at mabundok na lugar na nasa ilalim ng storm signals na manatiling alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
"Fisherfolk and those with small seacraft are advised not to venture out over the seaboards of Luzon, Visayas and the eastern seaboard of Mindanao," ayon sa PAGASA. -- BRDabu/FRJ, GMA news
More Videos
Most Popular