ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinakamatagal na rebolusyon


Umabot ng halos 85 taon (1744 hanggang 1829) ang itinuturing pinakamatagal na rebolusyon sa kasaysayan ng Pilipinas na pinangunahan ni Francisco Dagohoy sa Bohol noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Nag-aklas si Dagohoy laban sa Espana dahil sa mga hindi makatarungan pamamalakad ng mga Kastila sa mga Filipino. Sinasabing sinimulan nito ang rebolusyon nang tutulan ni Fr. Gaspar Morales, Jesuit priest sa Inabangan, na basbasan ang labi ng kanyang kapatid na napatay ng isang kriminal. Ilang araw sa harap ng simbahan ang labi ng kapatid ni Dagohoy sa pag-asa niya na magbabago ang isip ni Fr. Morales—ngunit nabigo siya. Nang sumiklab ang rebelyon, binalikan ng mga tauhan ni Dagohoy ang parokya ni Fr. Morales at pinaslang nila ito. Mula sa 3,000 Boholano, umabot sa 20,000 ang puwersa ni Dagohoy na nagdeklara ng kanilang kalayaan mula sa Kastila sa bundok ng Talibon. Hindi malinaw kung papaano namatay si Dagohoy sa bundok ngunit sa kabila ng kanyang pagpanaw ay nagpatuloy pa rin sa pakikikidigma ang kanyang mga tagasunod.- GMANews.TV

Tags: oddsandends