ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang alaala ng mga dating Santo Papa na bumisita sa bansa na makikita sa Luneta


Muling napuno ng mga mananampalataya ang Luneta sa idinaos ng misa ni Pope Francis noong Linggo. Pero alam ba ninyo na may mga alaalang iniwan sa nabanggit na makasaysayang lugar ang dalawang dating Santo Papa na bumisita rin noon sa Pilipinas?

Hindi kalayuan sa Quirino Grandstand na pinagdausan ng misa ni Pope Francis, makikita ang nakaharap na rebulto ni San Lorenzo Ruiz, ang kauna-unahang Pilipinong Santo.


Photo by Danny Pata

Ang nabanggit na rebulto na gawa sa bronze ay regalo ni Pope John Paul II sa Pilipinas, at kaniyang binasbasan nang magtungo siya sa bansa noong 1981 para sa beatification ni Ruiz.

Ang isinagawang beatification, na bahagi ng seremonya sa pagdedeklara sa santo, kay Ruiz ay ang kauna-unahang beatification na ginawa sa labas ng Vatican.

Nasa likod naman ng rebulto ni Ruiz ang isang puno ng narra, na sinasabing itinanim mismo ni Pope John Paul VI nang bumisita siya sa Pilipinas noong 1970. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia