ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinakamatamis na mangga


Sa talaan ng Guinness Book of World Record noong 1995, sinasabing sa lalawigan ng Zambales sa Pilipinas makikita ang puno na namumunga ng pinakamatamis na mangga sa buong mundo. Ang pinakamatamis na mangga ay natunton ng Guinness sa bayan ng Masinloc sa Zambales na lalong nagbigay buhay sa kanilang taunang “Dinamulag Mango Festival tuwing Abril. Bukod sa Zambales, kinikilala rin sa mundo ang tamis ng mangga mula sa lalawigan ng Guimaras. At tulad sa Zambales, mayroon din taunang kapistahan ang Guimaras para sa mangga na siyempe, tinawag na “Manggahan Festival."- GMANews.TV

Tags: pinoytrivia