ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pinakamataas na talon
Inilarawan na mistulang hagdan patungo sa langit ang pinakamataas na talon sa Pilipinas ang Aliwagwag Falls dahil sa 84 bahagdan nito ng maliliit na talon. Makikita ang Aliwagwag falls sa Cateel, Davao Oriental na mayroon kabuuang taas na 1,110 talampakan at 20 metro ang lapad ng bagsak ng malamig na tubig. Pangalawa naman sa pinakamataas na talon ang Limunsudan Falls sa Bgy. Rogongon, Iligan City na may taas na 870 talampakan. Ang pinakasikat na talon naman na Maria Cristina Falls sa Iligan City, Lanao del Norte ay mayroon taas na 320 talampakan. Ngunit ang enerhiya na nanggagaling dito ay malaking pakinabang sa buong Mindanao. - GMANews.TV
Tags: pinoytrivia
More Videos
Most Popular