ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Batang ginahasa, binigyan daw ng P20 ng suspek para manahimik


Hindi umubra ang ginawang panunuhol ng isang lalaki sa isang 10-anyos na babae na matapos daw halayin ay binigyan ng P20 para hindi magsumbong sa mga magulang sa Camarine Sur.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Biyernes, sinabing inaresto ang suspek sa bayan ng Magarao sa nabanggit na lalawigan matapos siyang ireklamo ng mga magulang ng biktima.

Ayon sa batang biktima, pupunta sana siya sa bahay ng isang kalaro nang bigla siyang hilahin ng suspek at dinala sa bahay nito kung saan siya inabuso.

Matapos maisagawa ang pagsasamantala, binigyan daw ng suspek ang biktima ng P20 at saka pinauwi.



Ngunit hindi alam ng suspek, kaagad na nagsumbong ang biktima sa mga magulang nito tungkol sa ginawang kahalayan sa kaniya ng kapitbahay.

Humingi naman ng tulong ang mga magulang ng bata para madakip ang suspek.

Base sa resulta ng isinagawang pagsusuri sa biktima, posibleng napagsamantalahan ang bata.

Gayunman, mariing itinanggi ng suspek ang paratang laban sa kaniya.

Paliwanag pa niya, ang bata mismo ang pumunta sa kaniyang bahay. -- FRJ, GMA News

Tags: childabuse