ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
4 na bata, nalunod sa swimming pool ng isang resort sa Cebu
Apat na bata ang nalunod sa swimming pool ng isang pribadong resort sa bayan ng Tabogon sa lalawigan ng Cebu.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nakapasok sa resort ang mga bata nang walang pahintulot.
Wala raw bakod ang resort kaya nakarating sa swimming pool ang mga bata. Hindi rin umano namalayan ng caretaker ang pagpasok ng mga biktima.
Dahil sa insidente, plano na ng may-ari ng resort na maglagay ng bakod para maiwasan ang pagpasok ng mga outsider lalo na ng mga bata.
Wala naman umanong plano ang mga magulang ng mga bata na magsampa pa ng reklamo dahil sa nangyarihang trahediya. -- FRJ, GMA News
Tags: drowning
More Videos
Most Popular