ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinay maaaring makulong ng 5 taon sa CNMI


Nahaharap sa limang taong pagkabilanggo ang isang Filipina sa Commonwealth of the Northern Mariana Islands (CNMI) sa kasong felony matapos mabunyag na nakipagsabwatan ito sa pamemeke ng tax claims na nagkakahalaga ng $850,000. Ito’y napag-alaman ng GMANews.TV mula sa artikulo ni Haidee V. Eugenio ng Marianas Variety online edition. Ayon kay Eugenio, nakipagsabwatan umano si Antonia Bonifacio, 44, empleyado ng POI Aviation ng CNMI, sa pamemeke ng tax claims sa tinatayang 275 ka tao sa naturang teritoryo ng US. Karamihan umano sa 275 na nagpasa ng fraudulent tax claims sa US Internal Revenue Service (IRS) ay mga residente sa CNMI at mga manggagawang Filipino doon. Sa pagdinig ng CNMI district Court sa kaso, inamin ni Aguon na tumulong siya sa pamemeke ng tax declarations para makakuha ng refund ang mga kasabwat nito. Gumamit umano si Aguon ng online sites, isa na dito ang www.expresstaxrefund.com, sa pagsasagawa ng pamemeke na tinaguriang “one of the biggest tax scams discovered in a US territory and in mainland USA." Si Aguon ay naninirahan sa Saipan sapamamagitan ng immediate-relative status. Sinabi Nick J. Henley, acting IRS Special Agent sa lokal media na sa nakalipas na tatlong taon 300 false claims lamang ang nadiskobre sa buong US, at ang nangyari sa Saipan ay isang “significant scheme." Ayon kay US Attorney for the Districts of Guam and the Northern Marianas Leonardo M. Rapadas, mula Marso 2006 hanggang Abril 2007, nakagawa si Aguon ng 275 pekeng US income tax returns para sa mga residente sa CNMI upang makakuha ang mga ito ng Earned Income Tax Credit (EITC.) Ang EITC ay refundable income tax credit para sa mga manggagawa sa CNMI na mababa ang kinikita. Ang 275 ka taong nakakuha ng tax refund na hindi bababa sa $3,000, ay hinihikayat na ibalik na lamang ang pera sa IRS upang hindi na lalala ang kanilang mga kaso. Ilang mga tauhan sa IRS ay nasa Saipan ngayon para tulongan ang nabanggit na mga indibidwal na ayusin ang mali-maling mga EITC. “We are proud to bring the first federal income tax prosecution in the CNMI. We will not permit criminals to use the CNMI or CNMI residents in tax fraud schemes against the United States," ani Rapadas sa isang pahayag. Sinabi ni Rapadas na sumingil si Aguon ng limang porsyento sa kabuuang tax refund na natanggap ng kanyang mga kliyente at limang porsyento naman ang siningil ng mga rekruter ng mga taong gustong magpagawa ng pekeng tax claims. Hawak ngayon ng US Marshals si Aguon at sisimulan ang paglilitis sa kanyang kaso sa ika-8 ng Agusto 2007. - GMANews.TV