ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tallest building sa Pinas


Nakatirik sa lungsod ng Makati ang PBCom Tower (Philippine Bank of Communication), ang itinuturing pinakamataas na gusali ngayon sa Pilipinas na mayroon 52 palapag at 8-level radio tower. Ang PBCom Tower na makikita sa panulukan ng Ayala Avenue at V.A. Rufino St. sa Makati ay mayroon kabuuang taas na 259 meters at pang-79 na pinakamataas na gusali sa buong mundo. Ngunit bago ang PBCom, ang Rufino Plaza o Rufino Pacific Tower ang itinuturing tallest skyscraper sa Pilipinas noong 1996. Mayroon itong taas na 200 meters, para sa 41 palapag at 8-level radio tower. - GMANews.TV

Tags: pinoytrivia