ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dog wedding, idinaos sa Davao City; 9 na pares ng aso, ikinasal


Sabay-sabay na ikinasal sa Davao city ang siyam na pares ng aso. Gaya ng kasal sa tao, mayroong din silang wedding entourage.

Sa ulat ni Sarah Hilomen-Velasco ng GMA-Davao sa Balita Pilipinas ng GMA News TV, ang dog wedding ay inorganisa ng Davao Dog Lovers Community.

Dinaluhan ito ng mga pet lover, kasama ang kani-kanilang breed ng aso gaya ng german shepherd, labrador retriever, toy poodles at at iba pa.

Dinamitan ang mga aso ng formal attires.



Pero paliwanag ng nag-organisas ng dog wedding, hindi lang para sa exclusive breed ng mga aso ang pagtitipon. Puwede rin daw rito ang mix breeds at ang mga "aspin."

Sa naturang dog wedding, rumampa ang siyam na pares ng doggie brides and grooms, kasama kanilang ang doggie bridesmaids at groomsmen.

Mayroong ding inilagay na photobooth at kissing booth kung saan puwedeng makipag-selfie kasama ang tinaguriang "Scooby Dog" ng Davao city na si "Dagul."

Layunin ng event na bigyang halaga ang koneksiyon ng mga tao at kanilang mga alagang aso na itinuturing na man's best friend. -- FRJ, GMA News