ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 pangyayari sa buwan ng Pebrero na nakatatak sa relasyon ng Pilipinas at US

(Reenactment ng 1945 Liberation of Manila: File photo by Danny Pata)
Alam ba ninyo na may dalawang mahalagang pangyayari sa kasaysayan na may kinalaman sa relasyon ng Pilipinas at Amerika na naganap sa buwan ng Pebrero na kaugnay ng dalawang digmaan.
Pebrero 4, 1899 nang magsimula ang digmaan ng Pilipinas at Amerika nang barilin at mapatay ng Amerikanong sundalo na si Private William Grayson ng First Nebraska Volunteer brigade ang sundalong Pinoy na si Corporal Anastacio Felix ng 4th Company ng Morong Battalion.
Ang pangyayari ay naganap sa bahagi ng Sta. Mesa, Maynila.
Pagkaraan ng 46 na taon, naging magkakampi naman ang mga Amerikano at Pilipino upang mapalaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng bansang Japan noong World War II.
Pebrero 3, 1945 nang pangunahan ng tropa ng Amerika sa pangunguna ni General Douglas MacArthur ang pagpapalaya sa may 4,000 bilanggo ng digmaan na ikinulong ng mga Hapones sa University of Santo Tomas.
Ang naturang tagumpay ang hudyat ng pagpapalaya sa Maynila at tuluyang pagbagsak ng puwersa ng Japan na naganap sumunod na buwan ng Marso. -- FRJ, GMA News
Tags: pinoytrivia
More Videos
Most Popular