ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Alamin kung ano ang kumakatawan sa simbulo ng SAF gaya ng tabak


Kapansin-pansin sa mga kasapi ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang suot na black beret na may insignia o simbulo na may larawan ng tabak na may pakpak. Alam ba ninyo kung ano ang kahulugan nito?

Ang SAF ay itinatag noong 1980s sa ilalim ng liderato ng noo'y pinuno ng Philippine Constabulary (PC) na si dating Pangulong Fidel Ramos. Layunin nito na magkaroon ng elite units na tutugon sa mga banta sa pambasang ng seguridad.



Dumadaan sa matinding pagsasanay ang mga kasapi ng SAF, at ang mga pagsasanay na nito o "courses" ay makikita sa simbulo ng police elite force na handang mag-alay ng buhay para sa bayan.

Ang tabak sa insignia ng SAF ay kumakatawan sa commando course; ang pakpak ay para sa airborne course; ang crosshair o pang-asinta ay para sa urban counter revolutionary warfare course, at ang tubig ay para sa scuba course.

Kahit nakatapos na sa mga pagsasanay ang isang SAF, sinasabing makakamit lamang ng pulis ang kaniyang black beret na may SAF insignia kapag napasabak na siya sa misyon o operasyon. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia