ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga peke umanong sex enhancement pills, nakumpiska sa Cebu


Nakumpiska sa isinagawang raid ng National Bureau of Investigation-Region 7 ang mga hindi umano lisensyado at pinekeng sex enhancement pills o pampagana sa pakikipagtalik sa Cebu.

Sa ulat ni Alan Domingo ng GMA-Cebu sa Balita Pilipinas nitong Biyernes, sinabing ang mga peke at hindi raw lisensiyadong mga gamot ay nasabat sa raid ng NBI sa tatlong establisimyento sa mga lungsod ng Cebu at Lapu-lapu.

Isinagawa ang raid makaraang makatanggap ang NBI ng impormasyon at reklamo tungkol sa iligal na bentahan ng naturang uri ng gamot.



Iligal din umanong ginagamit ng mga nagbebenta ng produkto ang pangalan ng isang lihitimong kompanya.

Nakasisira na raw sa reputasyon ng nagreklamong kompanya dahil sa mga pekeng gamot at nadadamay rin daw ang brand ng tunay na produkto.

Kasong paglabag sa intellectual property rights ang isasampa laban sa mga may-ari ng mga ni-raid na tindahan.

Wala pang pahayag ang Food and Drug Administration tungkol sa naturang usapin. -- FRJ, GMA News

Tags: fakedrug, fake