ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

National artist ang ama ng isa sa 'Hawi Boys' noon ni Randy Santiago


Dahil sa sobrang kasikatan at laging dinudumog ng tao, kinailangan ng 1980's heartthrob na si Randy Santiago ng mga aalalay sa kaniya, na sumikat sa tawag na "Hawi Boys."

Naging host ng dating noontime show sa GMA-7 na Lunch Date si Randy, at kasama niya sa naturang programa ang kaniyang "Hawi Boys." 

Ilan sa mga "Hawi Boys" ay matagumpay ding nakapasok sa showbiz gaya nina Willie Revillame, Dennis Padilla, Chinkee Tan at si Jong Cuenco, na anak ni Ernani Cuenco, idineklarang National Artist for Music noong 1999.

Ang nakatatandang Cuenco ang nasa likod ng mga walang kamatayang awitin gaya ng "Diligin Mo Ng Hamog Ang Uhaw Na Lupa," "Bato Sa Buhangin," "Gaano Kita Kamahal," "Inang Bayan," at "Isang Dalangin."

Samantala, matapos maging "Hawi Boys," ipinagpatuloy ni Jong ang kaniyang career sa pag-arte at sa musika kung saan madalas siyang gumagamit ng flute.

Pinamumunuan din ni Jong ang Asosasyon ng Musikong Pilipino o AMP. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrvia