TIPS: Mga gabay sa pagbiyahe ngayong bakasyon
Ngayong summer season at Holy Week, inaasahan na marami sa mga Pinoy ang magbabakasyon sa ibang lugar at iiwan ang kanilang mga tahanan. Narito ang ilang tips sa ligtas na paglalakbay at para hindi mapagnakawan ang iiwanang tahanan.
Sa infographic mula sa PNP Police Community Relations Group, muli nilang ipinaalala sa mga motorista ang BLOWBAG checklist bago bumiyahe.
"Better safe than sorry is a worn-out adage. But no matter how worn-out it may sound, it has remained true all these years. Have a safe journey!" saad sa paalala.
Kasama ang tinatawag na BLOWBAG checklist ang:
Battery: Palitan ang baterya ng sasakyan tuwing ikalawang taon
Light: Tiyaking gumaga nang mabuti ang headlights, brake lights, signal light at emergency light
Oil: Magpa-change oil kahit isang linggo bago ang takdang biyahe. Makabubuti ring magdala ng extrang langis sakaling biglang kailanganin
Water: Suriin ang water level at tagas sa radiator. Makabubuting magdala rin ng reserbang tubig sa biyahe sakaling kailanganin
Brakes: Ipasuri sa eksperto ang preno, ang brake pad at fluid level. Maganda rin kung may extrang bottle of brake fluid sa sasakyan sakaling biglang kailanganin
Air: Gumamit ng tire air pressure gauge o ipasuri sa eksperto ang gulong. Ang dalang spare tire, makabubuting ipasuri rin. Tiyakin na walang butas o singaw sa mga gulong
Gas: Suriin kung gumagana ang fuel gauge ng sasakyan. Kung kailangan nang magpakarga ng gas, gawin na ito at huwag magbakasakali na susunod na gas station magpapakarga. Magpalagay na ng gasolina sa sasakyan bago bumiyahe.
BLOWBAG: 7 Things to Check Before Driving. @PNP_OTCDS @DirDPCR @pnpdpcr @PNPhotline pic.twitter.com/ksFO9FX2g5
— PNP PCRG (@PNP_PCRG) March 20, 2015
Samantala, makabubuti ring dalhin ang mga kaukulang dokumento ng sasakyan gaya ng rehistro, at Insurance Certificate sa pagbiyahe.
Kung may kasamang bata, tiyakin na sarado ang bintana at pinto ng sasakyan. At para matiyak na kontrolado ng drayber ang kaniyang sasakyan, iwasan ang one-handed driving, at huwag gumamit ng mobile phone habang nagmamaneho.
Huwag ding magmaneho kung nakainom. Kung inaantok, tumabi sa ligtas na lugar, magpahinga at umidlip.
Kung magmamaneho sa gabi, tiyakin na nakabukas ang headlights at signal lights. Iwasan magmaneho sa gabi kung may problema sa paningin.
Kung maglalakbay naman sakay ng mga pampublikong sasakyan, huwag nang magsuot ng mamahaling alahas at ingatan ang mga dalang gamit.
Agahan din ang pagpunta sa mga pantalan kung sasakay ng barko, o sa paliparan kung sasakay ng eroplano para hindi maiwan o hindi mag-apura.
Maging alerto rin sa kapaligiran at ipaalam sa mga awtoridad kapag may nakitang kahina-hinalang gamit o tao.
Tiyaking ligtas din ang bahay
May ilang crime prevention and safety tips din para sa mga bahay na iiwan ng mga maglalakbay.
- Tiyakin na naka-lock ang mga pinto at bintana, at may harang ang mga posibleng daanan papasok ng bahay
- Makabubuti rin kung maglalagay ng burglar alarm para maalerto ang mga kapitbahay sakaling may magtangkang magnakaw
- Huwag maglalagay ng sulat sa labas na nagsasaad na walang tao sa bahay
- Kung sandali lang at hindi naman aabutin ng ilang araw sa biyahe, maaaring mag-iwan ng bukas na radyo para magbigay ng hinala na may tao sa loob ng bahay
- Kung may mapagkakatiwalaang kapitbahay, ipagbilin ang bahay
- Tiyakin na walang nakasinding kandila, walang nakasaksak na appliances, walang sumisingaw na gas stove o tumatagas na tubig, bago umalis ng bahay.
Mga puwedeng tawagan
Samantala, nagbigay naman ng listahan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ng mga telepono na maaaring tawagan ng mga maglalakbay.
Maritime Industry Authority
0917-SUMBONG (0917-7888664)
Philippine Coast Gurd
0917-PCGDOTC (0917-7243682)
Land Transportation Franchising and Regulatory Board
0921-4487777, 4262515
Toll Regulatory Board
@TRBSafe
Ninoy Aquino International Airport
0917-TEXNAIA (0917-8396242)
Civil Aviation Board
5425243, legal@cab.gov.ph, apbr1@cab.gov.ph, apbr2@cab.gov.ph
Office of Transport Security
0919-9999OTS (0919-9999687), @otsdotc
Light Rail Transit Authority, Philippine National Railways
@OfficialLRTA
@attycabs
@dotcmrt3
@PNR_GovPH
Meanwhile, other agencies with contact details include:
Department of Transportation and Communications
Facebook: DOTCPhilippines
Twitter: @DOTCPhilippines
Department of Social Welfare and Development
9318101 to 07
Twitter: @dswdserves
Metropolitan Manila Development Authority
882-0854, 882-0893
Facebook: MMDAPH
Twitter: @mmda
PAGASA
927-1335
Facebook: PAGASA.DOST.GOV.PH
Twitter: @dost_pagasa
Armed Forces of the Philippines
911-3338
Facebook: armedforcesofthephilippines
Twitter: @TeamAFP
Philippine National Police
721-8598
Facebook: pnp.pio
Twitter: @pnppio
Department of Interior and Local Government
117
Twitter: @dilg
Philippine Red Cross
336-8627, 524-5787
Facebook: phredcross
Twitter: @philredcross
Department of Public Works and Highways
165-02
Facebook: dpwhph
Twitter: @DPWHph
Project NOAH
882-0854, 882-0893, 882-0871
Facebook: dostnoah
Twitter: @DOST_projnoah
Department of Health
711-1001, 711-1002
Facebook: OfficialDOHgov
Twitter: @DOHgovph
Philippine Coast Guard
527-8481
Facebook: TanodBaybayinNgPilipinas
Twitter: @PhilCoastGuard1
May nais ka bang idagdag na tips sa mga kababayan nating bibiyahe? -- FRJ, GMA News