ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dikya o jellyfish, dahilan ng pagtaas ng presyo ng isda sa Bataan


Dahil umano sa mga dikya o jellyfish, naging kakaunti ang nahuhuling isda ng mga mangingisda sa Balanga, Bataan.



Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabing bukod sa itinataboy ng mga dikya ang mga isda, sinisira rin daw ng mga ito ang lambat ng mga mangingisda.

Masyado rin daw makati sa balat ang mga dikya kaya nagiging mas pahirapan ang panghuhuli ng mga mangingisda.

Kaya naman ang presyo ng mga isda na ibinebenta sa pamilihan, naapektuhan.

Tumaas na ng P10 kada kilo ang presyo ng isang alakaak, tunsoy, salinas at iba pang isdang ginagawang tuyo o tinapa. -- FRJ, GMA News

Tags: jellyfish