ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ibang araw ng Araw ng Kalayaan


Ipinagdiriwang ng mga Filipino ang Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo 12. Ngunit alam nyo ba na minsan sa kasaysayan ng Pilipinas ay ipinagdiwang ang araw ng kasarinlan ng bansa tuwing Hulyo 4. Hunyo 12, 1898 nang ideklara sa Kawit, Cavite ng unang Pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo Sr., ang kalayaan ng bansa. Ngunit hindi ito kinilala ng mananakop na US at Spain na noon ay nagkasundo na sa ilalim ng Treaty of Paris tungkol sa pamamahala sa Pilipinas. Bagkos, nagpasya ang US noong 1946 na kilalanin ang ang kalayaan ng Pilipinas sa petyang Hulyo 4. Ngunit nang tanggihan ng US noong 1962 ang kahilingan ng Pilipinas na bayaran ng danyos ang bansa sa pinsalang inabot sa World War II, nagpasya si Pangulong Diosdado Macapagal na ibalik sa Hunyo 12 ang Araw ng Kalayaan. Kahit may sakit, tumayo sa kanyang kama si Aguinaldo, bitbit ang watawat na kanyang iwinagayway sa Kawit, muli niyang sinaksihan sa Luneta ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan na kanyang idineklara makalipas ng 64 na taon. - GMANews.TV

Tags: pinoytrivia