ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 high school students, nawawala matapos mag-swimming sa Lake Apo


Isinagawa ang search operations sa Bukidnon matapos mawala ang dalawang high school students habang nagsu-swimming sa Lake Apo sa lungsod ng Valencia.

Sa ulat ng National Disaster Risck Reduction and Management Council, nitong Miyerkules, kinilala ang mga mag-aaral na sina Novie Jane Sumili, 14; at Giezel Jane Salahay, 18, kapwa residente ng Purok 2 sa Guinoyoran, Valencia City.

Sa imbestigasyon, sinabing nag-swimming ang dalawa sa Lake Apo sa barangay Guinoyoran nitong nakaraang Linggo at hindi pa rin sila matagpuan.— FRJ, GMA News

Tags: missing